Vhong Navarro, nagpost ng throwback photo ni Vice Ganda live sa programa. Netizens at co-hosts nag-react






Pinatawa muli ang mga netizens sa mga pasabog at tawanan ng mga hosts sa Abs-Cbn Noontime show na 'It's ShowTime' nang ipinakita ni Vhong Navarro ang throwback photo ni Vice Ganda.


Nagsimula ito noong sinabi ni Ion Perez na naging dating judge rin daw ito sa isang beauty pageant sa Albay. Sumagot naman si Vhong kung nakita na ba daw niya si Vice Ganda na naka swimsuit.





Agad-agad kinuha ni Vhong ang kanyang phone at hinanap ang litrato ni Vice na nakaswimsuit ito. Napatawa ang mga madlang pepol at di nakaalma si Vice Meme sa pinakitang litrato sa national tv.

Ako nakita ko rin siyang naka-swimsuit!” Pahayag ni Vhong Navarro. 

“Personal natin yan… Pakitaan? Talaga ba? Yung mga tinatago pinapakita ha. Personal yan eh!” Sumagot naman si Vice

Ang mga netizens ay di nakapagpigil mag-react sa video:


“ yung nagtanong si Vhong kung pwedeng ipakita ang pic, at umo-o si  Vice”

“Yung pinagtawanan lang yung Christian Dior na tsinelas ni Anne”
“Yung tawa talaga ni jhong eh nakakahawa”

“Yumuko si Ion pag swimsuit competition daw? Alams na😂😂😂🤙 Goodvibes lang showtime”

“Daming ganap basta itong apat ang magkakasama haha”



Comments