Ruffa Gutierrez on Gretchen: "Hindi ako sumasawsaw"





Si Ruffa Gutierrez ay nabigla nang nadamay siya sa bangayan ng pamilya Barretto matapos nagpost si Gretchen Barretto sa kanyang Instagram story tungkol sa knayang kumento sa anak ni Marjorie na si Julia Barretto. Kinunan ni Gretchen ng screenshot sabay sabi na nakisawsaw daw umano si Ruffa Gutierrez sa problema ng pamilya.

Nang dahil doon ay laking gulat na lang ang aktres na naging trending ang kanyang pangalan sa pamilya Barretto, at ang mga netizens naman ay hindi makapagpigil na tiningnan ang kumento ng aktres. Ang ilang mga netizens naman ay nagsabi na wala daw naman itong kahulugan o pinaparinggan o dumapig sa kampo ni Marjorie laban kay Gretchen.





Sa isang interview ng PEP ay pinahayag niya na matagal na daw siyang umiwas kay Gretchen simula noong 2008 pa. Itinanong din siya tungkol sa post ni Gretchen sa kanya at ang sagot niya,  “No comment, I have a great, preaceful, and happy life. I told you earlier, di ba, pati ako nagulat."

 “I know. Alam mo, wala akong kaaway na artista. 
“Napaka-peace loving ko. Napakabait ko. 
“So, if ever na merong problema, silang nag-aaway sa akin. 
“Never akong nang-aaway.”

Si Ruffa Gutierrez ay umamin din na naging magkaibigan din sila ng kapatid nitong si Marjorie Barretto at ang mga anak nito pero hindi ito basehan na nakikisawsaw na siya sa problema ng pamilya.


Samantalang si Annabelle Rama naman na ang kanyang ina ay dumipensa sa anak na si Ruffa laban kay Gretchen.

Buwelta ni Annabelle,
“Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang magcomment ng positive?"

Comments