Photo na magkasama si Claudine at Julia Barretto, usap-usapan sa social media.






Ilang buwan na ang nakalipas nang naging main topic ang mga Barretto sisters tungkol sa pagkadamay ni Julia Barretto sa hiwalayan ng dating magkasintahan na si Gerald Anderson at Bea Alonzo.


Maraming netizens ang nag-react sa nangyari at pati ang magkakapatid ay nag-react din. Nalaman natin noon na nagpakita pa ng supporta si Gretchen Barretto at Claudine Barretto kay Bea Alonzo sa pamamnagitan ng pagbibigay ng mga flowers na ipinost naman ni Bea sa kanyang Instagram account.


Naging mainit din ang usapan nang nagsalita din ang magkakapatid laban sa kanilang pamangkin na tila pinariringgan na tama ang mga nangyari at totoo ang mga sinasabi tungkol kay Julia.







Sa isang post ng Instagram account ni Joaquin Barretto ay ipinakita niya ang isang litrato na magkasama si Claudine at Julia habang nag-usap ang dalawa. Ang mga netizens ay nag-react sa naturang post dahil sa dating nangyari sa kanila.


Ang mga netizens hindi naiwasan na mag-react sa post:






Nagkasama ang mga Barretto nang binisita nila ang kanilang ama at kahit may hindi pagkakaunawaan na nangyari sa kanila ay mas pinili pa nila na magsama-sama bilang isang buong pamilya.

Si Julia Barretto ay isang artista at endorser. Siya ang pamangkin ni Claudine at Gretchen Barretto. Naging magkasintahan si Julia at Joshua ngunit natapos ito ngayong taon lang.

Comments