Nadine Lustre, sinagot ang isyu na siya daw ay buntis






Usap-usapan ng mga netizens ay isang Instagram photo ni Nadine Lustre na parang nag-iba ang porma ng kanyang tiyan. Ang kanyang Instagram ay puno ng mga litrato sa kanyang photoshoot at mga travel photos kasama ang kanyang kasintahan na si James Reid, kaya di naiwasan ng mga netizens na mapansin ang isang litrato na parang lumaki ang t*mmy nito.




Ang mga netizens ay di  naiwasan na makapag-react sa photo ng aktres:

“Parang preggy si Nadz”
“Ilang araw kaya sya doon”
“Busog lng sya anu ba kayo “
“Parang iba ang aura nya. Buntis n ata si nadz sana nga”



Narating kay Nadine ang usap-usapan ng mga netizens at sumagot siya sa nasabing isyu sa report ng PUSH:

“Ha? Buntis ako? Ba’t di ko po alam na buntis ako,” 
“Talaga ba? Hindi naman.” 
 “Saan kasi nanggaling? Parang ako naman, if hindi naman nanggaling sa akin, sana ‘wag nang paniwalaan ‘di ba?” 


Nagtaka din si Nadine kung saan galing ang usapan na siya daw ay buntis dahil siya mismo ay hindi alam na siya ay buntis.


Si Nadine Lustre ay isang sikat na aktres at endorser at business owner. Siya ang kasintahan ni James Reid na isa ding aktor at ka-love team niya.


Comments