Mystica, gusto makipag-showdown kay Jaya dahil na-gong si Shirley Fuentes sa TNT






Usap-usapan ngayon ang reaksyon ng isang mang-aawit na si Mystica na hinamon ang isang hurado sa Tawag ng Tanghalan na si Jaya dahil sa nakita nitong pag-gong sa isang singer contender na si Shirley Fuentes sa naturang show.

Ang Tawag ng Tangahalan ay isang parte ng programa sa Abs-Cbn noontime show na 'It's Showtime' kung saan magtatagisan ang mga kalahok ng kanilang talento sa pag-awit. Ang naturang segment ay para naman sa mga celebrities na magagaling din sa kantahan.









Sa kanyang post ay sinabi niya na hindi siya sang-ayon sa pag-gong ng mga hurado sa celebrity contestant na si Shirley na kumanta ng 'Luha' at gusto pa niya sumali sa nasabing show.


Ilang mga kakilala nito ay nag-react sa post ni Mystica:




Nag-trending ang hamon ni Mystica kay Jaya hanggang naging usap-usapan ito sa social media. Umabot din ito sa hurado na si Jaya at ito ang sagot niya:




María Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc o mas kilala sa pangalan na 'Jaya' ay isang mang-aawit at record producer. Isa siya sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan, isang parte ng kanilang segment sa programa ng Abs-Cbn noontime show na 'It's Showtime'.

Panoorin ang video:



Comments