Wedding Photos nila Ella Cruz at Julian Trono. Ipinaliwanag ang totoo sa mga netizens.







Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang pagpapakasal umano ni Ella Cruz, 23-taong gulang kay Julia Trono, 21-taong gulang nang ipinost ng aktres ang mga litrato at video na nakasoot ng wedding gown at naka-barong naman ang aktor na si Julian Trono.


Madaming kumakalat na balita na sila daw ay kasal na sa murang edad lamang. Madaming netizens ang hindi nagustuhan sa nangyari at iba naman ay hindi makapaniwala. Ilang mga media ay nagsabi na ikinasal na daw ang dalawa at sa unang pagkakataon ay ipinaliwanang na ng dalawang celebrities ang ibig sabihin ng kanilang viral photo. HINDI SILA KASAL!

Naging in a relationship ang dalawa nang ibinunyag nila ang kanilang estado sa interview sa 'TOnight with Boy Abunda' noong Hunyo.








Nagpost din si Julian ng mga photos at video sa kaniyang Instagram account na walang masyadong paliwanag sa mga captions kaya nag-dududa kaagad ang mga fans nito sa posibleng pagpapakasal ng dalawa.


Ilang mga netizens ay nag-congrats sa magkasintahan at naging usap-usapan kaagad ito sa social media.





Madaming balita ang kumalat, pero ang totoo ay ito pala lahat ay isang promosyon para sa kanilang bagong teleserye sa TV! Dahil kapag titingnan mo ang NicePrintChannel sa YouTube, ang kumpanya na gumawa ng photoshoot at video, makikita mo ang orihinal na video ng 'A Not So Fake Love Story' na teaser.

Ang kanilang teleserye ay ipinalabas lang noong Agosto 19,  sa Sari-Sari Channel at ang lahat ng mga IG posts at video ng dalawang celebrities ay promotion lamang.

Kaya sa mga nagdududa sa trending posts ng dalawa, ay panoorin na lang ang video para maintindihan at matahimik na ang lahat.






Comments