Viral ang isang tatay ngayon na kung saan, siya mismo ang nagtahi ng gown ng kanyang anak


Kamakailan lang sa viral na Twitter post ni Toni Masil, ibinahagi niya ang mga litrato ng gown na tinahi ng kanyang amang si Gregorio para sa kanya.

Mula sa mga kurtina at bedsheet, nag-level up daw si Gregorio sa paggawa ng mga gown at dress na isinuot ng kanyang mga anak sa prom.


"I was in 10th grade, it was prom season when he made his first gown. I had nothing to wear, I never saw a gown I liked so I asked him if he can make me one. I really felt like a queen that night thanks to my daddy," ani Toni.


Talaga namang hinangaan ng netizens ang ama ni Toni dahil sa labis na effort na ginawa niya para sa lkanyang anak, lalo pa't alam naman natin na 'di pangkaraniwan sa mga lalake o mga tatay ang manahi ng gown.


Comments