Vice Ganda, umaming na-shock matapos bantaan at murahin ng netizens si K Brosas dahil sa TNT resbak


Kamakailan lang ng mag-viral ang tila resbak sa TNT na talaga namang pinagmumura  at pinagbantaan pa ng ilang netizens si K Brosas matapos matanggal ang contestant na si Mariane Osabel ng Mindanao sa Tawag ng Tanghalan Ultimate Resbak sa Showtime kahapon.

Dahil dito, naging isa sa top trending topic ang pangalan ni Mariane sa Twitter Philippines. Tinalo siya ni Mariko Ledesma mula naman sa Luzon.

Maraming nag-post ng kanilang pagkadismaya sa naging resulta ng contest kasabay ng pamba-bash sa mga hurado na kinabibilangan nina Louie Ocampo "punong hurado", Karylle, Dulce, Jaya at K Brosas. Unfair daw ang pagbibigay nila mas mababang grade kay Mariane.

Ang transgender na si Mariko ay nakakuha ng combined text votes at judges score na 83.7% habang si Mariane ay binigyan ng 66.50%. Ang 16.50% score ni Mariane mula sa mga hurado ang inalmahan ng netizens.

Nang mabasa ni K Brosas ang mga pinagsasabi ng bashers, agad siyang nag-post sa Twitter ng kanyang saloobin tungkol sa reklamo nila sa pagbibigay nila ng score sa mga resbakers.

“Daming hanas pag mataas ang TXT VOTES.. chika pa kayo na dapat mas mataas percent ng hurados scores,” simulang resbak ng singer-comedienne.


Dugtong pa niya, “PERO hanas pa din pag Natalo dahil mas mataas ang hurados scores kesa txt votes? Eh ganon po talaga.. At tandaan madaming sikat ngayon na Di naman nag grand winner. Peace! (smile and peace emojis).”

Sinabi pa ni K na kahit minumura at pinagbabantaan na ang buhay niya ng mga haters, wala na raw silang magagawa dahil may nanalo na.



Comments