Vice Ganda at Ion Perez, napaluha habang nag-I Love You sa isa't-isa.





Viral ngayon sa social media ang latest episode ng Abs-Cbn Program noontime show na "It's Showtime" kung saan si Ion Perez at Vice Ganda ay nagbigay ng tatlong sweet words habang naka-Live ito at sa harap ng mga audience.

Ilang buwan na ang nakalipas na naging usap-usapan ng mga netizens ang posibleng relasyon ng dalawang hosts nang may kumalat na picture na magkasama ang dalawa sa isang bar at kahit sa iba pang lugar. Napansin din ng mga netizens na tila sweet ang dalawa sa isa't-isa at pinaparinggan din ang dalawa at tinutukso sa ibang co-hosts nila sa set.





Nagsimula ito sa kunting jokes at pag-uusap ng mga co-hosts kasama si Ion Perez habang tinatanong ito ni Vhong Navarro. Habang nagsalita din si Vice Meme sa harap ni Ion Perez ay biglaang sumambat si Anne Curtis


"Ganyan ba kayo magsalita... ganyan ba kayo mag-i love you-han."


Biglang napangiti ang dalawa habang tumawa naman ang ibangt co-hosts at mga madlang pepol. At nagdrama ang dalawa ng isang senaryo hanggang humantong sa I love you-han ang dalawa at napaluha si Ion at sumunod naman si Vice.

Panoorin ang buong video:



Comments