KC Concepcion single na raw ulit: Yes, I’m open…I’m fresh!


Kamakailan lang ng maging usap-usapan si KC Concepcion na kung saan mukhang matagal na nga raw silang magkahiwalay ni Pierre Lassart.

Hindi man diretsong inamin ni KC Concepcion, mukhang matagal na nga silang hiwalay ng kanyang French businessman boyfriend na si Pierre Lassart.


Ang paniwala raw kasi ng kanyang mga fans at followers ay single na uli si KC base na rin sa mga Instagram posts niya. Matagal na kasi siyang hindi nagpo-post ng mga litrato nila ni Pierre at sa isang IG post nga niya ay parang nagpahiwatig na single na uli siya.


At sa isa ngang panayam, natanong si KC tungkol sa status ng kanyang lovelife, ito lang ang naging sagot ng dalaga:

 “I’m fresh. As fresh as my foundation. Ha-hahahaha! I’m open. I’m open. Yes. I am (sa pakikipag-date). Dating around. Ha-hahaha!” 


Kamakailan lang, nag-post ang actress-singer sa kanyang Instagram tungkol sa “single ladies.” Aniya sa caption:

* “Living on my own, I nursed myself for a full week to get through the seasonal flu."

* “These are the times we single ladies probably wish we had someone by our side at home. It’s really about how much Love surrounds you!!!”



Comments