John Lloyd Cruz isa nang Direktor. Usap-usapan sa mga netizens ang bagong proyekto nito.





Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang estado ng kanyang lovelife nang tinalikuran niya ang kanyang karera bilang isang aktor upang makapagfocus sa kanyang new chapter sa kanyang buhay kasama ang aktres na si Ellen Adarna.

Naging probado ang kanilang buhay matapos tinalikuran nila ang showbiz at nananatiling tahimik ito hanggang maraming lumabas na balita na nagka-anak umano si Ellen Adarna at si John Lloyd Cruz ang ama. Marami ding usap-usapan na lumabas na ipinagdiwang di umano nila ang first birthday ng kanilang anak.





Hanggang sa ilang buwan ang nakalipas ay lumabas sa social media ang litrato na nagbakasyon si Ellen sa Thailand na hindi kasama si John Lloyd at si John Lloyd din ay nasa Vietnam na hindi kasama si Ellen. Naging main topic bigla sa posibleng hiwalayan ng dalawa.

Ngayon ay napansin ng mga netizens na naging isang Direktor si John Lloyd Cruz sa isang music video na 'Saturnine Nevermore' na kanta ng grupong 'Sugar Hiccup.'

Ang nakalagay na pangalan sa music video ay "Idan Cruz" na kinikilalang palayaw niya noonng kabataan niya.

Ilang mga netizens ang nag-kumento nang ipinost ito sa Fashion Pulis:


"Baka ito talaga ang calling mo JL! Napakalalim mong tao. Mukhang may ibubuga ka talaga sa directing. Tsaka kahit di ka mag-ahit kapag director ka. The dirtier the look, mas director material!"  
"Wow, level up na siya!" 
"I like it. Kuhang-kuha ni JLC yung lungkot ng kanta. Director ata next phase nya as an artist. Pwede."  
"Tugma sa video yung song" 

Si John Lloyd Cruz ay isang betranong aktor na sumikat noong kabataan pa niya hanggang ngayon. Siya ay dating ka loveteam ni Bea Alonzo na naging top rating ang mga pelikula at teleserye ng dalawa.

Panoorin ang video:






Comments