Ion Perez, may gustong pakasalan. Mga netizens nagduda na ito ay si Vice.






Isang Instagram story ang nagtrending sa social media na ipinost ni Ion Perez na nagpahiwatig na may gusto siyang pakasalan at magiging kasama niya panghabang buhay. Walang pangalan na naka-mention sa post ni Ion, ngunit ito ay pinagduduhan na ang gusto niyang pakasalan ay si Vice.

Noong nakaraang araw lang ay umani ng iba't-ibang reaksyon ang mga netizens nang sila ay nag-i luv u sa isa't-isa at napaluha ang dalawa. Wala din silang sinabi na may relasyon ang dalawa ngunit makikita sa kanilang mga kinikilos na sobrang sweet ang dalawa.


Sa kanyang Instagram story na may hastag na #AKINGREYNA ay sinabi niya;

“IKAW ANG GUSTO KONG MAKASAMA HANGGANG SA [HULING] SANDALI NG AKING HININGA " 
“AT KUNG PINANGANAK LANG AKONG MAY KAYA MALAMANG PINAKASALAN NA KITA #AKINGREYNA.”

Ang mga netizens ay di mapigilang mag-react sa story ni Ion at ang iba ay siguradong si Vice Ganda daw ang pinariringgan nito at base din sa nakitang pag-iyak ng dalawa sa programa at ilang mga netizens ay naka-react nito.:

“Happy for what they have. Enjoy lang and just love...Ion seems like a genuinely good guy…”

“Infer naluha din ako ng slight. Kitang kita sa mata ni Ion ang pagmamahal kay Vice”

“Wow sana this will last long. We know walang forever pero pwede bang umabot kahit man lang -forever minus one day? Charot”

“I'm happy for you Vice. You deserve it. You deserve the happiness and love.” 



Comments