Ion Perez, inamin na si Vice Meme ang kanyang napupusuan.







Ilang araw ang nakalipas nang hindi nagpakita si Ion Perez sa I'ts ShowTime at nang bumalik ito ay nag usap-usap sina Jhong Hilario at Vhong Navarro at biglaang tinanong si Ion tungkol sa Instagram post ni Vice Ganda tungkol sa kanya na naging usap-usapan agad sa social media.



Sabi ni Vice, “Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME."

Hindi nag-alinlangan na nagtanong si Vhong kay Ion, “Yung pinost niya sa IG, ni-like mo ba?” 
“Pinusuan ko yun, Kuya. Pinusuan ko yun.”, sagot naman ni Ion. “Puso lang, sapat na.” dagdag pa nito. 
Nagtanong din si Jhong kay Ion, “Anong naramdaman mo nung pinost niya yun?” 
Sagot naman ni Ion, “Siyempre ano, Kuya, kinilig.” 

Ilang mga netizens na ang nakapansin sa dalawa pero ni isa sa kanila ay wala pang direktahang sagot sa mga tanong ng mga madlang pepol at nirerespeto naman nila ang Kapamilya Stars.


Sinabihan din nina Vhong at Jhong kay Ion na ingatan nito si Vice, na tila ay pinakita nila ang pagiging maalalahanin bilang kaibigan ng komedyante. Napangiti si Ion na tila kinilig pa ito.


Kasunod nito, muling tinanong ni Jhong si Ion kung mahal ba niya ang Unkabogable Star.Diretsong sagot ni Ion, “Mahal na mahal ko 'yan, Kuya.”

Comments