Dennis Padilla, nabigay mensahe kay Gerald Anderson na respetuhin siya bilang "ama" ni Jiulia Barretto





Ilang linggo na ang nakakalipas matapos uminit ang usapan sa pagkakahiwalay ng dalawang dating magkasintahan na si Gerald Anderson at Bea Alonzo at pagkakasangkot ng anak ni Dennis Padilla na si Julia Barretto na ngayon daw ay bagong nililigawan ng aktor.


Nananatiling tahimik si Julia at Gerald tungkol sa estado nilang dalawa at umamin si Gerald na hindi daw dahilan si Julia Barretto sa hiwalayan nila ng dating kasintahan.





Sa isang interview ni Dennis Padilla habang nasa premier night siya sa kanyang bagong pelikula na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” ay nagsalita siya at nagbigay mensahe sa aktor sa kabila ng mga usap-usapa tungkol sa kanyang anak at inamin niyang nagkausap daw silang dalawa sa telepono tungkol sa nangyari.

Inamin niyang hindi siya galit sa aktor sa kabila ng pagkakasangkot sa kanyang anak sa dalawang magkasintahan.





Sinabi ni Dennis na dapat daw niya respetuhin ito bilang isang ama at nakakatandang aktor kesa sa kanya.


"Kailangan i-respeto niya ako ‘di lang dahil tatay ako ni Julia, kundi dahil mas senior akong artista sa kanya and I deserve it. Sperm pa lang siya, artista na ako."

Sa ngayon ay hinihintay pa ang sagot ni Gerald Anderson sa mga binibitawang salita ni Dennis Padilla sa kanya.


Si Dennis Padilla ay isa sa mga sikat na beteranong aktor sa Philippine showbiz. Siya ay may sa isang bagong pelikula na kasama sina Andrew E. at Janno Gibbs. 


Comments