Boy Abunda, nagbigay opinyon tungkol kay Julia Montes sa kanyang programa.





Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang isyu tungkol sa pagdadalagang tao di umano ng aktres na si Julia Montes na isa sa mga dahilan sa biglaan niyang pag-alis sa showbiz. Madaming kumakalat na balita tungkol sa kanya ngunit tahimik lang ang aktres.


Ilang buwan ang nakalipas ay nagpakita muli sa Julia Montes sa pamamagitan ng kanyang social media account kung saan nasa Germany siya kasama ang kanyang ama.







Pinagdududahan din ang posibleng relasyon nila ng batikang aktor na si Coco Martin kung saan siya di umano ang ama ng pinagbubuntis niya, ngunit wala pang kumpirmasyon sa mga nasasabing balita.

Sa isang programa na 'Tonight with Boy Abunda' ay nagpahayag ang host tungkol sa kanyang opinyon tungkol sa aktres at nag-update din si Tito Boy ang malapit na pagbabalik nito sa Pilipinas.



“Ang huling update ni Julia, ayon kay Mylene, ay nagbabakasyon pa rin ito sa Germany kung saan nakabase ang kanyang ama. Ang magandang balita ay malapit na raw umuwi dito sa Pilipinas si Julia Montes.” 
“Ako, personally, I miss her. I really miss Julia. One of the finest actors we have in the industry.”

Ilang mga netizens ang nag-react sa statement ni Boy Abunda:

“Yehey! Welcome back Julia. Maski di ako gaanong sumusubaybay sa mga artista natin, I'm happy for her.”  
“Yes, one of the few actresses sa kanyang generation na magaling umarte. Jusko para naman mabawasan ang mga banong umarte sa ABS.” 

“Akala ko ba nasa Pinas sya? Labo naman!”  
 “Indeed. she's one of the finest actresses in her generation. Love her so much.”  
“Hindi siya bumabalik sa showbiz kasi matatanong yung sa baby.” 

Panoorin ang buong video:




Comments