Bea Alonzo at John Lloyd, pinakilig ang mga fans dahil nag-date sa Himala musical



Kamakailan lang ng muling matuwa ang mga fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo nang makita silang magka-date sa “Himala: Isang Musikal” last weekend Circuit Makati.

Ang “Himala Isang Musikal” na pinagbibidahan ni Aicelle Santos ay hango sa award winning classic film ni Ishmael Bernal na “Himala” noong 1982 starring Nora Aunor.


Kahapon, nag-post si Vic Robinson sa Facebook ng litrato nina Bea at John Lloyd sa loob ng venue na may caption na, “Thank you Popoy and Basha for visiting Baryo Cupang last night.”

Ang Basha at Popoy ang iconic characters ng dalawa sa blockbuster movie na “One More Chance” na ipinalabas noong 200 at nagkaroon pa ng part 2 na may titulong “A Second Chance” noong 2015.


Ayon sa fans nina Lloydie at Bea sana’y sila na lang ang magkatuluyan dahil pareho naman silang single ngayon.

Comments