Basher, nagbanta kila Liza Soberano at Nadine Lustre na sasabuyan sila ng acido pagdumating sila sa ABS-CBN Ball


Kamakailan lang ng may magbanta kila Liza Soberano at Nadine Lustre, na kapag punta nila sa ABS-CBN Ball ay bubuhusan sila ng isang basher ng muriatic acid.

Na talaga namang ikinabahala ng dalawa pati na rin ng ibang netizens at mga fans ni Nadine at Liza, at dahil gamit pa sa profile picture nito ay ang larawan ni Kathryn Bernardo.

Kumento ng basher na ang gamit na profile picture ay ang larawan ni Kathryn Bernardo:

“I’ll make sure to pour muriatic acid to these girls faces if they showed up at ABS CBN ball so be ready Soberano and Lustre. MARK MY WORDS,”

Nakarating na kay Ogie Diaz, na manager ni Liza, ang pagbabanta.

Sabi ni Ogie:

“Salamat sa concern. Nakarating na rin po sa amin. Meron pong security as always,” 

Sa comments, na-bash nang husto ang nagbanta kina Liza at Nadine. Marami naman ang naniniwalang hindi si Kathryn ang nagbabanta at ginamit lang ang photo nito.

“Hope mag ingat Nadine and Liza. May mga KathNiel fans na very aggressive dami kasi mga bata pa, di nila alam na pwede sila makulong kahit verbal threat lang. nag deactive na sya, na realize nya she is in trouble.”

“Nakakahiya ang mga taong ganto. Mamamatay tong mga to dahil sa inggit. Hahaha! Keep safe Liza and Nadine. Will see them at the ball. #Jadine #Lizquen.”

“Grabe naman po. Lahat tayo maganda. Pantay pantay tayo na nilikha kaya dapat alisin ang inggit para di makagawa ng mali sa kapwa.”

“Paki educate na lang din ang nag threat na ang muriatic acid di nakakalapnos ng balat. Hahaha. Too much Pinoy movie kase.”

“Masyadong possessive naman tong mga fans na to. Wala naman problema ung mga artista. Yung mga fans lang na pabida. JUSKO.”



Comments