Barbie Imperial, nagsalita tungkol sa nangyari sa It's ShowTime.





Si Barbie Imperial ay nagsalita na sa totoong nangyari sa kanya sa "It's ShowTime"

Sa isang interview ay nagpromote si Barbie Imperial sa kaniyang movie na "Taiwan that you love" sa iwant nang hindi mapigilan ng isang reporter ang pagtanong sa kanya sa nangyari sa "It's ShowTime"


“Well, ano po, ako naman po before hindi ko po talaga...parang tinatanggap ko na lang." 
“Like before po, nung GirlTrends po ako, na natanggal po ako, sobrang lungkot ko kasi parang...dati, nung PBB [Pinoy Big Brother 737] po ako, ako yung unang natanggal." 
“Tapos nung GirlTrends din po ako, ako yung unang natanggal,”




Maaalala ang GirlTrendz, isang girl group na ipinapalabas sa "It's Showtime" at kasama dito ay si Barbie Imperial.

“So, parang natanggap ko na siya na, baka eto lang talaga, pang-support lang po talaga ako, parang ganoon." 
“So, tanggap ko na siya...Hanggang sa, after naman po nung paglabas ko ng PBB, after ng GirlTrends, hindi rin naman po talaga nawawalan ng projects." pahayag ng aktres.


Itinanong siya kung bakit siya natanggal, at ang sagot niya ay hindi rin daw niya alam at bigla na lang siya natanggal. Inamin din ng aktres na may kasama din siya na natanggal sa grupo at hindi niya alam ang rason dahil wala naman daw itong sinabi. Minabuti nalang daw niya na ito ay tanggapin at mag-move on nalang.

“Actually, wala pong reason, e. Pero siyempre I respect that kasi, management naman. And, hindi lang naman po ako ang natanggal that time." 
“And honestly, well, before hindi ko siya ma-gets. Kasi parang ang sad ko. Kasi ang saya sa Showtime, alam mo yun? Family talaga. "

Panoorin ang buong video:


Comments