Arci Muñoz, muntikan nang nag-babu sa Showbiz dahil sa dating boyfriend






Si Arci Muñoz ay muntikan nang nawala sa Showbiz industry dahil ayaw daw nang dating boyfriend na ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista at magiging housewife na lang daw. Ito ay ibinunyag ng aktres nang siya ay ininterview bilang guest sa Abs-Cbn morning show na "Magandang Buhay"






A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on



Itinanong ang aktres sa usap-usapan na totoo ba daw na muntikan na niyan iniwan ang showbiz dahil sa dating boyfriend nito, at inamin naman ito ng aktres.

"Ayaw na niya akong maging artista. Gusto na niyang mag-start ng family at hindi talaga niya gusto ang trabaho ko. Gusto niyang maging housewife ako. Gusto niyang magkaanak.” 
“Iiwan ko lahat ‘to para sa kanya? Okay, sige. Kasi noong time na ‘yon, siyempre nakikita mo ang sarili mong kasama ang taong ‘yon. So noong time na ‘yon, oo, iiwan ko talaga lahat.”
"Si God na ang gumawa ng paraan. Every time na may ginawa siya, forgive, forgive kasi mahal mo e. Ilang beses mong pinagbigyan. Finally, sabi ni God, ang tigas ng ulo mo ha, ito na talaga. Ito na ang final blow.”


Nang nalaman ng mga momshies ang ibinunyag ni Arci, ay hindi ito makapaniwala sa nangyari at bilang kapawa artista ay naiintindihan nila ito sa kanyang desisyon at sa kanyang karera.

Ang mga netizens naman ay nag-react sa kanilang narinig at nakita sa interview :

"Naalala ko tuloy yung sabi ng Dad ko, 'Do not sacrifice the life that you love for the love of your life. Because the right one for you will never hinder your personal growth while both of you are growing together.' I still believe in that up to now."
 "Si Kean ba tinutukoy niya?"

"Eto yung anak ng Prince of Brunei..Si Badi yung band."  
"Kung mahal ka talaga ng lalaki ay di ka pipiliting ewan ang isang bagay na mahal mo." 

Panoorin ang buong video:





Comments