Anne Curtis at Vice Ganda, nasurprisa sa hindi inaasahang bisita. Trending sa social media.





Nag-upload ng video si Vice Ganda sa kanyang social media account na kasama si Anne Curtis na may biglang bumisita sa kanila sa waiting room para magprepara sa lalabas na "Grand Finale" ng Tawag ng Tanghalan.

Si Anne at Vice ay isa sa mga magkakaibigan na naging usap-usapan sa social media dahil sa kanilang funny vibes sa mga madlang pepol. Makikita natin ang sobrang close nila sa isa't-isa at laging nagtatawanan.




Sa video ay makikita natin na ang dalawang magkaibigan ay nag-usap-usap habang nag-antay sa darating na TNT Grand Finale sa kanilang programa. Biglang napatigil ang usapan ng dalawa nang may biglang dumating na bisita na nakacostume sa isang sikat na TV series sa America na 'Money Heist'

Nabigla ang dalawa at tinanggal ng bisita ang kanyang maskara at ito pala ay si Jhong Hilario. Tumawa ang dalawang magkaibigan, sabay sabi kay Jhong, "Ibalik mo na yun takip. Mas gusto ko yun may takip."


Ilang mga netizens ang nag-react at natuwa sa video:


“Super love ko tlga ang showtime host..chugug na chugug lagi” 
“Super love ko ang showtime hosts and yung kulitan nila, lalo na si meme” 
“Good vibes talaga ang dalawang to” 
“Nakakatuwa talaga si Jhong”

Panoorin ang buong video:


Comments