Angel Locsin, Luis Manzano at Jessy Mendiola, ipinaliwanag kung bakit wala sila sa ABS CBN Ball


Kamakailan nga lang ganapin ang ABS CBN Ball, na kung saan rarampa nga ng mga naggagandahang kasuotan ang mga artist doon.

Bago pa raw magsalita ang detractors ng dalawa ay nagpaliwanag na si Jessy kung bakit wala sila sa nasabing big event ng Dos.


“Hindi ako pupunta, sayang. Birthday kasi ni Tito Edu and we’ve planned something else. Kaya ayon, hindi kami makakadalo ni Luis,” paliwanag ni Jessy.

Thankful daw ang aktres dahil every year ay invited sila sa ball, “We’re very thankful na every year naman, as always, lagi kaming invited. For now, we’ll rest it out muna and ce-lebrate ‘yung birthday ni Tito Edu,” sabi ulit ni Jessy.

Maganda na ‘yung nagpaliwanag si Jessy dahil baka isipin na porke wala na siya sa Star Magic at lumipat na siya sa manager ni Luis ay inisnab na niya ang ABS-CBN Ball.


Isa pang hindi dumalo sa nasabing ball na taun-taon ay inaaba-ngan ng lahat ay si Angel Locsin.
Nag-explain ang The Gene-ral’s Daughter actress kung bakit wala siya sa nasabing okasyon. Sa kanyang Instagram account nagpaliwanag si Angel.


Comments