You Do Note Girl, napaiyak sa mga sakripisyo ng kanyang ina sa isang interview





Inimbitahan ang bagong talent artist ng Abs-Cbn na si Marjorry 'Majo'  Lingat o mas kilala sa trending na pangalang 'You Do Note Girl' sa isang programa ng 'Magandang Buhay' kasama sina momshie Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros.






Nang ininterview nila si Majo at ang kanyang ina, ay ibinahagi ng ina ang pinag dadaanan nila at hirap sa buhay. Ibinahagi din ng kanyang ina ang mga sakripisyong ginagawa niya para maipundar lang ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Naglalabandera ang kanyang inaMaya maya ay napaiyak si 'You Do Note Girl' dahil sa mga sakripisyong ginagawa ng kanyang ina.




Tinanong ni momshie Melai kung bakit napaluha ito ay sinagot niya, "Naawa po ako kay mama, sobrang hirap po."



Nalaman din nila ang storya ni Majo na hindi daw maganda ang kanyang karanasan sa paaralan at tinanong ito sa kanyang ina. Umamin naman ang kanyang ina na alam niya ang nangyayari sa kanyang anak sa school.


"Lagi po nila akong binu-b*lly. ...mahirap daw po kami,"







Si Marjorry 'Majo' Lingat aka 'You Do Note Girl' ay isang 9-anyos na bata na sumikat sa social media sa pang-gagaya niya sa mga sikat na linya sa pelikulang "Kadenang Ginto" at inupload sa kanyang kaibigan at nagtrending ito. Kinuha siya ng Abs-Cbn at binigyan ng oportunidad upang mas makilala at mas maipakita pa niya ang kanyang talento sa industriya.

Comments