Watch: Gerald Anderson, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo sa isang interview





Ang aktor na si Gerald Anderson ay nagsalita na  pagkatapos ng ilang araw ng pananahimik sa sa kanyang tatlong-taong karelasyon sa aktres na si Bea Alonzo, na naunang sinabi sa isang interview na bigla na lang hindi nagparamdam si Gerald Anderson at tila may narinig nalang siya na nagkahiwalay na daw sila. Ibig sabihin na walang pormal na hiwalayan ang dalawa.


“Siguro, nangyari, just like in any relationship, we have those moments na we have a fight after fight after fight. We had that one big fight na doon na nailabas lahat ng emotions and feelings.”  


“Doon din ‘yung realization na hindi na siya masyadong healthy, and we’re just hurting each other. Umabot sa point na ayawan na talaga. And after that you have to stay strong and disciplined, para umiwas muna sa communication,” dagdag pa niya.



“Walang ibang tao na naging dahilan ng breakup. Para sa akin, it’s always been our personal issues na… things inside our relationship





Hindi inamin ni Gerald na may third party ang kanilang hiwalayan at hindi dahilan si Julia Barretto sa kanilang pagkakahiwalay.


Natatandaan pa ilang araw ang nakalipas na nagpost si Bea Alonzo sa kanyang instagram account tungkol sa pangagaliwa ng kanyang partner na may caption sa bandang huli na "ENOUGH".


Iyon din nangyari nang ni-LIKE ni Bea ang mga kumakalat na photos ng ex-boyfriend na kasama si Julia Barretto na naging dahilan ng pagdududa ng mga netizens na si Julia Barretto ang bagong nililigawan nito.


Isa ding reliable source na nakuha sa Philippine Star na nakumpirma umano nila na nanliligaw na si Gerald Anderson nang tinanong mismo ni Dennis Padilla tungkol sa estado nilang dalawa sa kanyang anak. Pero hindi ito inamin ng aktor.


Gayon man ay dinipensaan parin si Julia Barretto sa kanyang pamilya na si Marjorie Barretto at kapatid nito na si Dani Barretto.



Comments