Vice Ganda, pinatawa muli ang mga netizens nang ginaya niya si 'Hipon Girl' Harlene sa It's Showtime





Pinatawa muli ni Vice Ganda ang mga netizens nang ginaya niya ang isang co-host sa kabilang istasyon na programang "Wowowin" na si Harlene o kilalang 'Hipon Girl' at nagviral ito sa social media.







Inumpisa ni Vice Ganda ang pagjojoke sa BidaMan at sinabi:

"Wag kang maniwala, Wowowin ito. Pasok Hipon Girl!"
"Hello sa mga squammy!" dagdag pa niya.


Ang salitang squammy ay linya na pinasikat ni Harlene sa Wowowin show sa GMA.



Inamin ng host na si Jhong Hilario daw ang unang nag introduced sa kanya kay Hipon Girl na manood at inamin din ni Vice Meme na nagenjoy siyang panoorin si Hipon Girl sa show ni Willie.



Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor,komedyante at host ng isang noontime show na "It's Show Time" na kasama sina Anne Curtis, Vhong Navarro at Jhong Hilario. Madami na din siyang kontribusyon sa mga larangan ng pelikula kasama ang mga sikat na aktor sa industriya.


Panoorin ang  video sa 2:28:15:



Comments