Vice Ganda muling nagsalita. 'Abang-abang sa reply ni Bea' sa It's ShowTime, netizens natawa ulit.





Usap-usapan kahapon ang pasabog na post ni Julia Barretto tungkol sa pagkakadamay niya sa relasyon ni Bea Alonzo at Gerald Anderson na naging usap-usapan at pinag kakaabalahan ng mga netizens sa kakaantay ni Bea ALonzo na magreply sa mga paratang na sinabi ni Julia Barretto sa kanya.


Sa isang programa sa Abs-Cbn na 'It's Showtime ay muli naman nagpasiklab ng paririnig si Vice Ganda nang bigla ulit ito nagsalit tungkol sa isyu ng tatlong mga artista habang naghost ito sa naturang show.


Sinabi ng host na focus muna daw sa kanilang final week ng kanilang segment sa 'BidaMan' kesa mag-aabang sa reply ni Bea kay Julia Barretto.





“Tigil muna ang abang-abang sa reply ni Bea. Dito muna tayo. Hindi ‘yung isang buong gabi, nag-aabang kayo ng reply na ang daming napuyat."

Natawa muli an mga netizens at si Anne, Vhong at iba pang mga co-hosts ay nagsitawanan at hindi makareact.


Dahil sa linyang 'v*ct*m' na ipinost ni Julia ay pinariringgan na naman ni Vice at ibinalik ang linya sa pamamagitan ng pagdadrama sa isang kalahok ng 'BidaMan' na si Wize.


"Lagi kang ganyan, pa-victim ka. I don’t care if you choose to be the victim, but I will never be your victim.”
“Tayo na ang trending! Kasi kagabi, ‘Bea,’ ‘Julia,’ ‘Gerald’ — iyon ang mga trending. So naiba na. Pasensya na muna, ha. Kami raw muna ang trending."  




Comments