Vice Ganda, g na g sa fan ni "Ate girl Jackie" dahil abusado raw



Nag-s0rry na ang fan na nag-akusa kay Vice Ganda na mas pinapaboran niya si Ion Perez, na dyowa niya, kesa kay Jackie aka Ate Gurl. Sa bagong segment kasi ng “It’s Showtime” na Mr. Q&A ay si Ion na ang may dala ng bowl na naglalaman ng mga tanong, na hindi nga tulad noon na si Ate Gurl ang may dala ng bowl sa segment noon na Miss Q&A.

Sabi ng fan, "Dyowa ng kase kaya pinapaboran si Ion."

“Yan ang hirap sa inyo! Binigyan na nga ng exposure ung idolo nyo di pa kayo makuntento! Aba baka sa sususnod iutos nyo ng sya ang ga­wing main host! Abusad0!!!” sagot na tweet ni Vice sa naturang fan.



Nag-s0rry na nga ang fan, at okey na ang lahat. Kaya si Vice, balik na sa kabaliwan sa Twitter.



Sa #AskVice ay may nagtanong sa kanya kung ano ang mas pipiliin niya, utak o ganda?

“Land1! Dahil daig ng maland! ang maganda at mautak!” sagot ni Vice.
Wala lang, kaaliw lang!



Comments

Post a Comment