Sue Ramirez, humanga sa mga prostitute at may paalala rin sa mga netizens


Kamakailan lang daw ng mabilib si Mother Lily Monteverde sa husay ni Sue Ramirez sumagot sa tanong ng entertainment media. Wala kasing arte ang dalaga, diretso at very honest.

Humarap si Sue at ang leading man niyang si RK Bagatsing sa presscon ng movie nilang “Cuddle Weather” na isa sa mga official entry sa 2019 Pista Ng Pelikulang Pilipino.


Prangka at wala raw pakialam sa pagbibitaw ng Tagalog words si Sue tungkol sa s*x organs at iba pang !ssue na may kinalaman sa s*x. Ayon kay Mother Lily, isa si Sue sa mga aktres na malayo ang mararating dahil bukod sa magaling itong artista ay matalino pa.


Bago raw magsimula ang shooting ng “Cuddle Weather”, kinunan muna sila ni RK para sa poster kung saan kapwa sila nakahub*d. Kaya hayun, maraming humanga sa tapang niya pagdating sa pagpapaka-dar!ng.

Pahayag ni Sue:

“I think maganda nga siya at ganoon agad. At least nakita mo na agad ‘yung tao. I mean wala naman tayong malisya rito. May malisya pa na ba kayo sa katawan ninyo? 2019 na!

“Naging comfortable kami ni RK with each other to see the entirety of someone. Naging open agad kami sa isa’t isa. Hindi kami nagkaroon ng ilangan.” 


Isang pokp*k at isang call boy ang role ng dalawang bida sa movie kaya naman upang maging makatotohanan ang pagganap nila sa kanilang mga karakter, pumunta sila kasama ang ang kanilang direktor na si Rod Marmol sa mga lugar na tambayan ng mga taong nagbibigay ng pananaliang aliw.


Sabi nga raw ni Sue, pagkatapos nilang gawin ang pelikula at bigyang-buhay ang karakter ni Adela Johnson na isang pr*stitute, mas humanga at mas naintindihan niya ang pinanggagalingan ng mga ito.
Sabi pa niya, hindi dapat husg*han, pandir!han at pagtawanan ang mga tulad ni Adela dahil hindi madali ang ginagawa nilang sakripisyo para lang mabuhay ang kanilang mga pamilya.



Comments