'Sana di nalang nagsalita. ' Honest reaction ni Ogie Diaz tungkol sa viral post ni Julia Barretto.





Trending ngayon ang statement ni Julia Barretto ilang minuto lang ang nakalipas pagkatapos nagpost si Julia tungkol sa isyu at pagkakadamay niya kay Gerald Anderson at Bea Alonzo. Umani it ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens at sa mga artista.


Isa na dito ang isang komedyante na si Ogie Diaz na nag-react sa post ni Julia. Hindi nag-alinlangan ang komedyante na sabihin ang kanyang totoong opinyon tungkol sa pagdidepensa ni Julia sa kanyang sarili sa pagkakadawit niya sa paghihiwalay ng dalawang magkasintahan at sa bwelta niya ni Bea Alonzo sa pangiinsulto sa kanya at nasira daw siya dahil sa ginagawa ni Bea sa kanya sa social media.





Sa post ni Ogie Diaz sa kanyang social media ay isinabi niyang sana hindi nalang nagsalita si Julia kasi hinay-hinay nang natahimik sana ang usapan ng pagkakahiwalay ng dalawang magkasintahan.


Pahupa na, eh. Sana, di na lang nagsalita si Julia Barretto,” pahayag ni Ogie Diaz.

“Kahapon nagsalita si Ge, si JB ngayon. Nag-usap kaya sila?” dagdag pa niya.


Nang dahil sa kanyang post ay naging usap-usapan  muli ng mga netizens ang kanyang statement at mas lalong naging trending worldwide ang isyu. Madaming bumabatikos kay Julia dahil sa kanyang mga sinasabi laban kay Bea na wala naman daw itong sinasabing pangalan o kaya mga posts nito sa kanyang social media account.




Napansin din ng mga netizens na nagkasabay pa ang dalawa (Julia Barretto at Gerald Anderson) na nagbigay ng statement tungkol sa Bea-Geral-Julia controversy. At pinagdududahan ng mga netizens na parang nagkasunduan pa ang dalawa bago nag release ng kanilang mga statement.


Sa ngayon ay wala pang reaksyon o pahayag si Bea Alonzo tungkol sa paratang ni Julia Barretto laban sa kanya at nanahimik pa lamang ito.







Comments