Netizens, nag-alala kay Maxene Magalona dahil sa larawan na kanyang inupload sa IG



Kahapon lang ng i-post ni Maxene Magalona ang kanyang larawan na naka-bikini sa kanyang Instagram account, na kung saan talaga namang pinaguusapan ngayon.

Dahil halos tila sumobra raw ang pagkakapayat ni Maxene na parang may sakit na raw. Marami ang nag-aalala sa kalusugan ni Maxene Magalona Mananquil. Feeling nila, sumu­sobra na ang kapayatan nito.



Nag-aalala sila dahil 'di ba nga, ang tatay ni Maxene na si Francis Magalona ay namatay sa sakit noon. At ‘yun nga ang agad na pumapasok sa isip nila kapag nakikita nilang patuloy ang pagpayat ng aktres.


At kahapon nga raw ay nag-post ulit si Maxene ng photo niya na naka-bikini, at oo nga, payat nga siya, at giit nga niya na wala siyang sakit. Pero sa totoo lang, nakakaloka ang hubog ng katawan.­


At ginamit nga niya ang IG post na `yon para magbigay ng mensahe sa mga nagtatanong kung bakit siya payat.

“My face when random people start sending me ­messages of concern about my weight loss#okaylangpoako #yogaevery­day #mondaymotivation,” sabi ni Maxene.


Comments