Lolit Solis, nagpost ng panibagong opinyon tungkol sa Bea-Gerald-Julia controversy. Kris Aquino,nagreact.





Si Lolit Solis ay hindi naman nakapagpigil na magpost it ulit tungkol sa tatlong Kapamilya celebrities.

Kamakailan lang ay usap-usapan sa buong mundo ang isyu ng dalawang sikat na artista na  sina Julia Barretto at Bea Alonzo na nagisyu ng dahil sa isang lalaki na ex-boyfriend na ngayon ni Bea na si Gerald Anderson.

Noong ilang mga araw ay nagreact si Lolit Solis tungkol sa isyu at nagbigay ng kanyang opinyon kung ano ang gagawin niya kung sakaling siya ang nasa lugar ni Bea Alonzo, at sa mga hindi pa nakabasa, ito ang unang sagot niya:




“Kung ako naman ang nasa lugar ni Bea Alonzo Salve, dignified silence at taas kilay school of acting gagawin ko. Ang direct accusation ni Julia Barretto na b*lly siya after nangyari ang lahat, dapat kibit balikat na harapin niya at 'hoy you don't belong in my league' na reaction ang ibigay niya.

“No need for answer, no need to explain, wala siya responsibility na ibigay ang side niya. So ayaw mo na sa akin go where you want, no hurt feelings, my self respect is intact, thanks for the goodtimes, goodbye. 
“Self defense iyon makita matatag ka, hindi umiiyak, hindi mukhang kawawa. Mas nakakainis iyon para bang nag self pity ka at humihingi ng awa sa mga tao sa paligid mo. Let the natural flow of things happen, in the end we will know who won the game.  
“Sa tatlo, mas lamang posisyon ni Bea Alonzo, keep it that way. Wala lang, ayaw mo na, ok, face the consequences, life will go on for me, Bea Alonzo ako noh! Hah hah, winner.”


Sa ikalawang pagkakataon ay nagpost ulit si Lolit Solis ng panibagong opinyon tungkol sa isyu at ang kanyang sinabi naman ay:

"At least mukhang subsiding na ang Bea Alonzo/ Julia Barretto at Gerald Anderson drama. Suwerte ng mga celebrity noon na nagkaroon din ng ganitong romantic encounter dahil wala pang social media that time...
“Tulad nga ng sinabi ni Gerald, hindi niya alam na buong bayan pala kasali sa buhay niya. Siguro kahit si Bea hindi akalain ganun katindi ang epekto ng cryptic quotes at check na nilalagay niya, at si Julia bongga overnight siya ang pinaghalong Bella Flores at Zeny Zabala ng bayan…  

“Hay naku, in the end, biktima silang lahat, nasaktan silang tatlo, nahubaran ng publiko at babantayan ang lahat ng kilos ngayon… 
 

“May lapitan lang babae si Gerald, sure tambak na ang comment, may madikit lang lalaki kay Julia, iba na agad ang iisipin, at kahit si Bea, tiyak na aabangan din ang next romantic chapter ng life niya.” 



Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay nakabasa at nagreact sa post nito sa comment section at sinabi:

“I really admire your wisdom. Saludo ako sa paghimay mo ng sitwasyon.” 

 Ilang mga netizens naman ay nagreact sa post:



Comments