Lolit Solis, may ibinunyag tungkol kay Kris Aquino




Kamakailan lang ng i-post ni Lolit Solis ang larawang ito na kung saan throback phot nga nila Kris Aquino at Gabbi Concepcion na kung saan umani ng ina't-ibang reaksyon ng netizens.

Talaga namang usap-usapan ngayon ang photo na 'to na inupload ni Lolit Solis dahil with matching caption story pa, ito nga ang kuwento ni Lolit Solis.

Lolit Solis: 

"Alam n'yo, bigla ko naalala sina Kris at Gabby sa photo na ito. Kalokah! Si Kris ang favorite loveteam niya ay Sharon/Gabby kaya siguro crush na crush niya si Gabby noon pa so pagpasok niya ng showbiz, kilig-kiligan siya. Nakakatawa, isang incident noon presidente pa si Tita Cory medyo ek ek boyfriend-girlfriend silang dalawa at naisip nilang mag-date sa Anilao, Batangas, sa beach house ni Gabby. Of course, hindi papayag si Tita Cory. So, ang ginawa ni Tetay nagpaalam sa mommy niya na may taping siya sa Anilao. Bongga, nag-ocular du'n ang PSG, nag-aerial inspection pa the night before. So araw ng date, punta na si Kris with matching 16 PSG, mga alalay, friends at personal cook. Bongga, 'di bah! Ito na, oras ng uwian sabi ng personal cook ni Tita Cory, "Sumbong kita sa mommy mo, wala naman palang taping nagkita lang kayo Gabby dito." Hahahaha! Sagot ni Kris, "Magsumbong ka, mas maniniwala sa akin si Mommy, noh?!" O 'di ba? Bata pa si Kris maabilidad na at kahit bantayan pa ng 16 PSG, lusot siya. kalokah talaga si Tetay! Hahahaha!"







Comments