Kris Aquino, nalugi raw agad at nagbenta pa ng kotse



Lugi raw agad si Kris Aquino dahil sa latest development na nangyari sa 2019 Metro Manila Film Festival entry niyang “(K)Ampon”.

Kababalita pa lang ni Kris na bumili pa siya ng bagong equipment para gamitin sa shooting ng “(K)Ampon” na pagsasamahan sana nila ni Gabby Concepcion.


Ang siste pa raw sy buong-ningning pa niyang inamin na binenta niya ang kanyang kotse para mabili ang latest equipment. Gusto raw niya na talagang maging maganda and scary ang movie niya sa MMFF.


Isa rin daw kasi sa producers ng movie si Kris along with Quantum Films and Spring Films. Pero mukhang hindi na nga matutuloy ang pagpapalabas ng pelikula sa MMFF 2019 dahil na-technical sila sa pagpasok sa movie ni Gabby Concepcion bilang kapalit ni Derek Ramsay.



Hindi raw umabot sa deadline ng MMFF organizers ang letter ng producers ng pelikula tungkol sa pagpapalit nila ng artista. Ayon kay Kris, gusto niyang lumaban nang patas kaya kahit nakapagsimula na sila ng shooting, hindi na nila ipipilit pang makasama sa filmfest.

Sabi ni Kris: 

“Tulala ngayon kasi bukod sa hindi tuloy ang isang project na ginusto ko talaga, may ilang milyon din na sagutin kami sa MMFF bond, prod staff, crew, and artists,” 



Comments