Kris Aquino, nagsalita sa kanyang opinyon sa bagong post ni Julia Barretto sa kanyang IG account




Usap-usapan ngayon ang mainit na topic tungkol sa isyu nila Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto nang sumiklab ang usapang hiwalayan ng dalawang real life couple dahil umano sa third party nito at nasangkot si Julia Barretto nang ipinost ng isang netizen na nagsama ang dalawa sa party at umalis nang magkasama sa isang sasakyan.


Mas lalong sumiklab ito nang nagbigay pahayag si Gerald Anderson at si Julia Barretto isang araw lang ang agwat na nagreresulta ng pagkakaduda ng mga netizens na baka pinaplano na nila ang kanilang mga statements.





Uminit ang usapan nang ilang mga araw matapos nagpost si Julia Barretto sa kanyang pahayag at binwelta pa ang pangalang ni Bea Alonzo at sinabing "b**lly" umano si Bea kahit walang nimention naman ang aktres na pangalan kundi sa pangangaliwa lang ni Gerald sa kanya.


At ngayon ay inaabangan parin ng mga netizens ang sagot ni Bea Alonzo sa bwelta ni Julia Barretto ngunit parang hindi na ito pinansin pa ni Bea.


Sa isang post ni Julia Barretto matapos ang mainit niyang pahayag sa instagram ay nagpost ulit ang aktres ng kanyang litrato na may caption "Next Chapter".





Ilang mga celebrities ang nagkumento sa new IG post ni Julia Barretto at isa na dito ay ang Queen of all Media na si Kris Aquino.

“Nobody else can write that next chapter BUT you. Own it, Live it, and be Proud of it!” 



Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino  o mas kilalang Kris Aquino ay isang host, aktres at tinaguriang “Queen of All Media. Isa din siyang endorser at negosyante. Siya ang anak ng dating Presidente ng Pilipinas na si Former Pres. Ninoy Aquino at Cory Aquino.


Comments