Kim Chiu, sumama raw ng loob kay Erich Gonzales dahil sa biglaang pag alis nito sa teleserye nilang dalawa



Excited na nga raw ang aktres na si Kim Chiu na makatrabaho si Yam Concepcion bilang kapalit ni Erich Gonzales sa teleseryeng "Love Thy Woman" na talagang inaabangan ngayon.

Ayon kay Kim Chiu, napanood niya ang ilan sa mga intense na eksena ni Yam Concepcion sa teleseryeng "Halik" na talaga namang sinubaybayan din at katatapos lamang.

Sabi ni Kim Chiu:

“Excited din ako to work with her kasi napanuod ko rin siya sa ‘Halik’ and sobrang intense niya dun. So mas ma-cha-challenge ako in terms of acting namin,”



Matatandaang umatras si Erich sa teleseryeng 'yon sa hindi malamang dahilan. At totoo nga bang sumama ang loob niya kay Erich?



Pero ayon naman sa kanya, nirerespeto raw niya ang naging desisyon ni Erich kahit hindi pa rin sila nakakapag-usap tungkol dito.


“Una nalungkot and hindi rin siya nakapagpaalam sa amin. Staff na lang nagsabi na wala na siya. Respeto na rin kung ‘yun ang gusto niyang mangyari or desisyon,” sabi ni Kim.

Comments