Julia Barretto, pumalag at nagsalita na


Kamakailan lang ng kumalat ang balita tungkol kila Julia Barretto at Gerald Anderson na kung saan talaga namang naging usap-usapan ng lahat lalo pa ng mga kanikanilang co-artists.

Ngunit hindi na natahimik si Julia Barretto sa kontr0bersya nito kina Gerald Anderson at Bea Alonzo, dahil kahit ang isang hiniram nitong quote na may temang inspiration sa Instagram account na “Rising Woman” ay nagkaroon pa ng 1ssue.


Bigla ngang pinaratangan na nang-agaw ng quotation at hindi raw binigyan ng kredito ng aktres ang sumulat at nag-photograph ng dalawang white roses sa post.


Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, nag-react si Julia sa isang online magazine site kaugnay sa diumano’y pangongopya ng aktres sa isang quote na hindi nito binanggit o binigyang kredito ang totoong sumulat.


Sa mensahe raw ni Julia, iginiit nitong sa huli ng quote na sinulat niya, inilagay niya ang pa­ngalan ng may-akda ng quote at kung saan niya ito nakuha.



May mga nag-screenshot din daw ng post na ito ni Julia, na hindi naman binuo ang buong teksto kaya hindi nakita ang huling bahagi ng mensahe, kung saan binigyang kredito ng aktres ang sumulat.


Nakilala naman ito ng magazine at ibinahagi sa kanilang panulat ang effort ni Julia na kausapin sila para linawin ang 1ssue.


Ngunit hangga’t hindi humuhupa ang “ghosting” issue kina Bea at Gerald, na natuturo na si Julia umano ang third party, lahat talaga ng ipu-post ni Julia sa social media ay binibigyan ng ibang kahulugan
Loading...

Comments