John Lloyd Cruz, may bagong hugot at patama raw kay Ellen Adarna gamit ang kanta ng Eraserheads



Kamakailan lang ng basagin daw ni John Lloyd Cruz ang kanyang katahimikan sa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Ellen Adarna kamakailan lang, na talaga namang pinag-usapan ng netizens.

Ayon sa mga balita, nilayasa  si Lloydie ni Ellen dahil hindi na umano nito makayanan ang kawirduhan ng aktor. May balita pa nga raw na nagkasak!tan sila minsang malasing si John Lloyd.


Wala pang official statement ang dalawa tungkol dito pero ayon sa kumakalat na balita, hindi na sila nagsasama sa isang bubong at nasa pangangalaga raw ni Ellen ang anak nilang si Elias.


Pero isang photo ng hindi pa napipinturahang bahay ang ipinost ni Lloydie sa IG. Makikita rito ang isang standmount speaker na nakapatong sa isang kahoy na upuan at isa pang mini speaker na nasa isang timba at nakapwesto malapit sa hagdan.


Ang caption ni John Lloyd sa litrato:

“From nosi balasi to kay bilis maglaho nang kahapon (minsan),” Ang “Nosi Ba Lasi” ay isa sa mga kantang pinasikat ni Sampaguita na kapag binaligtad ay “sino ba sila”.

Ang mga kataga naman daw na:

“kay bilis maglaho nang kahapon” ay mula sa lyrics ng kantang “Minsan” ng Eraserheads. 


Ang paniwala ng mga IG followers ni Lloydie ay may kinalaman ito sa mga bagong hamon sa kanyang buhay. Posible raw na patama ang nasabing caption kay Ellen.


Comments