John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, hiwalay na raw ayon sa isang super reliable source


H!walay na raw sina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna ayon sa isang super reliable source.
Nagising na lang daw isang araw si Ellen na ayaw na niya sa actor ayon daw sa kuwento ng isang malapit sa actress.


Yes, ang former sexy actress diumano ang nakipaghiwalay sa actor na hanggang ngayon ay naka-leave of absence pa sa kanyang career.


Alam na raw ng mga BFF ni Ellen ang real status nila, ayon pa sa source.
Kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand si Ellen kasama ang anak nila ng aktor with her BFF na si Beauty Gonzales and daughter (sa asawang si Norman Crisologo) at bestfriend din nilang designer na si Vito Selma.


Si John Lloyd naman daw ay nasa Vietnam ayon pa sa source. Though walang location ang mga bagong upload niya na weird photos sa kanyang IG account na ‘dumpsite’ ang username.
Ayon pa sa source, ser­yosohan daw ang nasabing hiwalayan.


Hintayin natin kung aamin ba sila o magko-comment sa nasabing issue. Nabalita na noon na magpapakasal sina John Lloyd at Ellen at meron pang engagement ring na 3 karats diumano.

Tanong ng netizens kay Joh Lloyd:

Babalik na lang kaya si John Lloyd sa showbiz?
Ito kaya ang rason kaya lately ay tumatanggap na siya ng endorsement?




Loading...

Comments