John Lloyd at Ellen, naghiwalay na daw ayon sa isang Entertainment news writer





Isang entertainment news writer na galing sa Pilipinas Star Ngayon na si Salve Asis ay nagbigay balita na nagkahiwalay daw ang couple na si John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ayon sa kanyang reliable source.


Kamakailan lang ay nagtrending ang litrato ni Ellen at ang anak nila ng kasintahan na nag family trip sa Thailand kasama si Beauty Gonzales at ang mga kaibigan nito. Makikita din sa picture na hindi kasama si John Lloyd Cruz sa naturang trip nila.






Dagdag pa nito ay isinabi din sa reliable source ng news writer na si Ellen Adarna mismo ang nakipaghiwalay sa aktor dahil na fall out of love na daw ito kay John Lloyd.



Isa ding blogger sa Fashion Pulis ang pnag-uusapan ng mga netizens na tila tinutukoy din ang real life couple na nagkahiwalay di umano dahil sa pagkalango sa alak ng lalaki. Walang pangalang binanggit pero usap-usapan na parang sila ang tinutukoy ng mga netizens.




Wala pang binanggit na balita tungkol sa kanilang status nang lumabas na sina Ellen at John Lloyd sa social media simula noong nag break ang dalawa sa showbiz nang napabalitaan na nabuntis si Ellen. At si Jhon Lloyd ay iniwan ang showbiz para makasama lang si Ellen Adarna. Napabalita din noong ilang buwan ang nakakalipas na nagcelebrate ang dalawa sa 1st birthday ng kanilang anak.



Nagkakilala si Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa isang comedy show ng Abs-Cbn na 'Home Sweetie Home' at doon sila nagka-inlove at nang iniwan ni JLC ang role niya bilang asawa ni Tony Gonzaga ay naiba ang storya pero pinatuloy parin ang show at pinalitan ni Piolo Pascual.


Comments