Jodi Sta Maria nabudol sa negosyo, pinagbantaan pa


Kamakailan lang ng mabiktima na rin ng panloloko at katrayduran ang Kapamilya award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Ito ang inamin ni Jodi sa nakaraang presscon ng "Sino Ang May Sala" para sa huling linggo nito sa ABS-CBN Primetime Bida. Dahil nga tungkol ito sa laglagan at katrayduran ng magkakaibigan, natanong ang cast kung may mga nanloko o nanglaglag na sa kanila.


Ayon kay Jodi, hinding-hindi niya makakalimutan ang taong naging partner niya sa business siya na nga raw ang nabikt!ma pero p!nagbantaan pa siya.

Sabi ni Jodi:

“I think lahat naman tayo at one point in our lives naka-experience tayo ng b3trayal from somebody na close sa atin, kakilala natin, ka-negosyo natin. Or minsan sa mga tao na acquaintance lang natin,”

“But I believe siguro ‘yung pinakamasakit na klaseng betrayal na ma-eexperience ng isang tao ay ‘yung betrayal na manggagaling sa taong malapit sa ‘yo, ‘di ba?” 


“Ano ‘to eh. Kasi sa business ‘to eh na nangyari sakin. May nakilala ako, pinagkatiwalaan ko siya, tapos nag-invest ako du’n sa negosyo niya. But then, alam mo ‘yung hindi niya binigay kung ano ‘yung dapat na sa akin,” masam4ng-masam4 ang loob na pahayag pa ng Kapamilya actress.



Pero ang pinakamasak!t pa raw nito ay binaligtad pa siya ng taong ‘yun, “And then later on, nung kinakausap ko na siya, siyempre kailangan ko nga kunin ‘yung akin, siya pa ‘yung gal!t at nagbanta.”


Ipinagpasa-Diyos na lang daw niya ang lahat dahil baka kung ano pa ang magawa niya, “After nun, siyempre lesson learned na ‘yun sa akin. Pero wala rin naman ako ginawa. Ang ginawa ko na lang, sinurrender ko na lang siya. Ni-release ko na lang siya kay Lord. Sabi ko siya na ‘yung bahala.”




Loading...

Comments