Ion Perez, nagsalita na tungkol sa tunay na estado nila ni Vice Ganda







Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang relasyon ni Ion Perze sa isang komedyante at host ng 'It's Show Time' na si Vice Ganda nang may nakakita sa kanila na magkasama sa isang lugar kung saan ay nagselfie pa silang dalawa. Napansin din ng mga netizens na sobrang sweet nila sa isa't-isa kahit sa trabaho.


Ilan ding mga artista ang nagtanong sa estado ng dalawa at isa na rito ay si Ruffa Mae na diretsahang nagtanong sa harap ng madlang pepol na sadyang ikinatutuwa ng lahat.


Sa isang conference na bagong ipapalabas na pelikula na pinamagatang "Mang Kepweng" kung saan ay kasali si Ion Perez bilang isa sa mga casts ay itinanong ng isang reporter ang tunay na estado ng komedyante at host.

Diretsahan ding sinagot ni Ion ang tanong ng isang reporter at sinabi na wala silang relasyon at hindi sila magkasintahan kundi sobrang close lang talaga sila ng host, at mahal nila ito.

“Ano lang kami, sobrang malapit lang kami sa isa't isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila. Ganoon yung naging reaksyon nila. Sobrang close kami... close na close kami ni Vice, parang hindi na rin siya naiiba sa akin, Mahal ko po siya as a friend.” pahayag ni Ion Perez.


Parehong sina Vice Ganda at Ion Perez ay paulit-ulit na pinapares ng kanilang mga co-host sa iba't ibang palabas tungkol sa inaakala nilang  relasyon ilang buwan na ang nakalipas, ngunit walang direktang kumpirmasyon na binigkas ang dalawa.


Comments