'In love ka pa rin ba talaga sa akin?’ Biglaang tanong ni Daniel Padilla kay Kathryn sa harap ng audience.





Umani ng iba't-ibang reaksyon ang eksena ng 'KathNiel' nang biglang nagtanong si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo kung inlove pa rin ba si Kathryn sa kanya, at dahil doon ay biglang napasigaw ang mga audience at tila ay kinikilig pa ito.


Nangyari ang eksena noon nagpunta ang mga ASAP celebrities sa SAP Center sa San Jose, California para magbigay saya sa kanilang OFW fans.









DJ: Huwag mo tanungin ‘yung Kapamilya, Kathryn. Ikaw ang tinatanong ko. Gusto kong marinig kasi talaga galing sa kanya. In love ka pa rin ba talaga sa akin?
Kath: Mahal.  Oo naman.
DJ: In love ka pa rin ba talaga sa akin.
Kath: Super.  Of course.
DJ: Oh, pa kiss ako.


Pinakilig pa ang mga netizens nang nagbigay mensahe pa si Daniel Padilla sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa successful movie nila ni Alden Richards at proud na proud pa ito sa successful career ni Kathryn.



“Nakakabilib ang babaeng katabi ko ngayon, dahil ho sa kanilang pelikula na ‘Hello, Love, Goodbye’ na grabe ang success na natatanggap sa Pilipinas. Napakahusay.”


“Bal, from my heart, I am very proud of you. Hindi lang ‘yon — you deserve it. Para sa iyo ‘yun. I love you.”



Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay isang artista, modelo at recording artist. Si Bernardo ay binansagan bilang "Teen Queen" ng showbiz ng Pilipinas, "Queen of Hearts" at "Phenomenal Box Office Queen". Naging kilala siya sa kanyang papel bilang Mara sa hit TV series na si Mara Clara. Siya ay 7 years na in a relationship ng ka-love team na si Daniel 'DJ' Padilla.

Comments