Heaven Peralejo, hinipuan ng isang matandang lalake



Kamakailan lang ng ma pabilib ang Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada sa pagiging palaban ni Heaven Peralejo. Naikwento kasi ni Heaven kung paano siya nag-react nu’ng minsang may manghipo sa kanya.

Sabi ni Heaven:

"Siniko ko siya sa mukha. Ipinaglaban ko rin naman po. Yun ang sabi ng Mom ko, na gamitin ko ‘yung self-defense na natutunan ko," kwento Heaven sa Magandang Buhay na napapanood sa ABS-CBN, 8 a.m.."



Matanda na raw at may pamilya ang lalaking nanghipo kay Heaven, “Kasi sasabihin ng mga guys na baka dahil sa damit kung bakit ka (binabast0s), kaya nangyari ‘yun. Hindi po, e. Naka-leggings ako. For me, wala po talaga ‘yun sa damit. Kasi, no one should dictate on what to wear. Kasi you are your own person.”


Sabi ng "Magandang Buhay" host na si Karla kay Heaven:

 “Palaban ka rin ba pagdating sa pag-ibig? Kumusta na kayo ni Jimuel Pacquiao?”

“Uhm, sabi po kasi ng Mom ko, lagi kong isipin ‘yung advise niya na don’t ever let anyone make you feel that you are not enough, because, you are. And when that happens, it’s time to let go. ‘Yun po,” sagot ni Heaven.

Nag-follow-up ng tanong si Karla kay Heaven tungkol sa kanila ni Jimuel ng, “So, wala na kayo ni Jimuel, ‘Nak?

“Tanungin na lang po ninyo siya.”




Comments