Gretchen Barretto, nakatipid daw mula nang makaaway ang kapatid na si Marjorie; wala nang sinusustentuhan



Kamakailan lang nga ng magka-1ssue ang anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto na kung saan 1nagaw nga raw ng anak ni Marjorie si Gerald Anderson kay Bea Alonzo, na talaga namang naging paboritong usapan ng netizens.

Ngunit si Marjorie Barretto, sa pang-iinis niya sa kanyang kapatid na si Gretchen na walang anumang laban na inuurungan. Tanggap na nito ang pagkatalo.


Nadagdagan naman ang mga tagasuporta ni La Greta na ang karamihan ay mga beki raw na gumagamit sa kanyang pangalan sa mga pam-Barangay na beauty pageant.

Sabi raw ng isang source:

“Napakalaki ng natipid ni Gretchen mula nu’ng hindi na sila magkasundo ni Marjorie! Sobrang laki! Sa kanya kasi nakasandal ang kapatid niyang ‘yun!



“Konting bagay lang, Gretchen. Kapag may kailangan, Gretchen. Kaya mas maganda na rin para kay Gretchen ang ganyan na hindi sila okey, napakalaki ng natitipid niya!” madiing sabi ng source.



Comments