Gretchen Barretto, nag-react sa IG post ng kanyang pamangkin tungkol sa Bea-Gerald controversy.





Umani ng iba't-ibang reaksyon ang latest post ni Julia Barretto tungkol sa mga paratang ng mga netizens at ilang mga artista na sumusuporta kay Bea Alonzo.


Sa isang Instagram post ni Julia Barretto ay ipinahiwatig niya na hindi niya nagustuhan ang mga ginagawang pangiinsulto ni Bea Alonzo sa kanya sa social media. Wala pang reaksyon si Bea Alonzo sa mga posts ni Julia Barretto sa kanya, pero ang Tita ni Julia Barretto na si Gretchen Barretto ay tila hindi nagustuhan sa sagot ni Julia at nagreact pa ito at tila hindi naniniwala sa pahayag ng kanyang pamangkin.






Sa isang Instagram story ni Gretchen Barretto ay ini-screencapture niya ang kumento ng isang netizen tungkol sa pahayg ni Julia Barretto at sinagot naman ni Gretchen ang kumento ng netizen:





"The fact that they hired a ghost writer for this post is hilarious and makes her sound desperate to salvage whatever is left," "TEAM BEA FOR THE WIN." 




Kamakailan lang ay nagpadala din si Claudine Barretto ng flowers kay Bea Alonzo na nagpapakita na sumusuporta ang magkakapatid kay Bea Alonzo, at tila pinupuntirya nila ang kanilang kapatid na si Marjorie Barretto at pamangkin na si Julia Barretto. Makikitang hindi magkasundo ang isa nilang magkapatid dahil naniniwala sila sa mga paratang na idiniin ng mag-ina sa Bea-Gerald split.


Ang iba namang artista ay nakisimpatya sa instagram post ni Julia ay sina Dani, Claudia at ang "Magandang Buhay " host na si Karla Estrada.

Comments