Ghost Buster vs Ghost Writer; Marjorie Barretto at Gretchen Barretto nagparinigan ng Bio sa IG




Manila, Philippines – Wala atang katapusan ang Bea-Julia-Gerald issue na yan dahil nanganganak ang issue para bang hindi natatapos dahil ang dami-dami nang nakikisawsaw ultimo mga hindi naman related sa issue ay nakikisawsaw na rin at hindi lang 'yon marami ring netizens ang mas-apektado na para bang sila itong may issue, nako ang mga pinoy talaga eh no? Good thing naman kung gaano tayo ka-active sa isang issue ganun din naman tayo kabilis makalimot kahit gaano pa kalala ang isang issue after a month expired na para bang walang nangyari.

Kaya tuloy napaglalaruan tayo ng media lalo na ang malalaking network sa bansa gagawa ng malaking issue para pag-usapan "public stunt" kumbaga lalo 'pag ang artista ay may upcoming movies hay nako! – Asahan mo may gagawing issue yan para pag-usapan at syempre para maraming manood sa upcoming movie nila.

Pero hindi ko naman nilalahat yung iba legit naman na may issue pero itong Bea-Julia-Gerald issue ay hindi natin alam kung "public stunt" or not pero one thing is for sure may upcoming movie itong si Joshua Garcia at Julia Barretto na of course sila ang bida! Ang pamagat ng movie nila ay "Block Z" na kung saan naki-zombie trend na rin ang Pinas after mag-hit ang Korean zombie film na "Train to Busan."

Maiba naman tayo, mukhang nagpaparinigan itong magkapatid na si Marjorie Barretto at Gretchen Barretto dahil sa mga new IG Bio nila ngayon na napansin ng maraming netizens mukhang pinatatamaan kasi ni Gretchen si Julia na kung saan pinapalabas daw na may "Ghost writer" kaya naman nilagyan niya ang kanyang IG Bio ng "Ghost buster" kaya kasi ganun dahil lumalabas daw na ang mga nangyayari– I mean ang Bea-Julia-Gerald na issue hmmp! Pero we don't know kasi hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin ito sa mga netizens. Pantapat kasi ni Gretchen ang Bio niya sa Bio ni Marjorie na may nakasulat din na "Ghost writer."








Comments