Gerald Anderson, kinontak si Bea para makipag-usap pero di daw sumagot.





Naging hot topic ngayon ang usapang hiwalayan sa dating magkasintahan na si Bea Alonzo at Gerald Anderson at nadamay pa si Julia Barretto na pinagdududahan na ang rason ng kanilang break-up.


Nang lumaki ang usapan at naging trending ito ay sinabi ni Bea Alonzo sa isang exclusive interview na bigla na lang daw hindi nagparamdam si Gerald sa kanya at narinig nalang niya sa iba na "Single" na daw ito. Inamin din ng aktres na ginagawa niya ang lahat para makapagmove on ito at sa mga dinadaanan niya.


Nang dahil dito ay madaming netizens ay di nagustuhan sa pangyayari at nadismaya sa aktor hanggang sa di nakapagpigil si Gerald na magbigay ng pahayag sa kanyang panig para ipaliwanag din ang totoong nangyari. Inamin ng aktor na may away daw sila na umabot sa punto na nakapag decide siya na ayaw na niya talaga.





Sumabog ng lalo ang usapan nang nagreact din si Julia Barretto sa pamamagitan ng pagpost niya ng statement sa kanyang instagram account at umani ito ng iba't-ibang reaksyon galing sa mga netizens.


Ibinunyag ni Gerald Anderson na sinubukan daw niyang kontakin ang kanyang ex-girlfriend dahil lumaki nang masyado ang problema sa kanilang relasyon ngunit hindi daw sumagot o wala response na narinig mula kay Bea.




“Nung lumabas na at medyo lumaki siya, I tried to reach out through our manager and personally, But syempre, I respect that she didn’t respond and I respect that she wanted no communication. It hasn’t been easy and it hasn’t been easy for her also,” dagdad pa niya.


Si Gerald Anderson ay isang aktor at modelo na nagsimula bilang kalahok ng isang reality show na "Pinoy Big Brother" kasama ang dating girlfriend nito na si Kim Chiu na naging isang kontrobersya din nang sila ay nagkahiwalay.

Comments