Erwan ni-real talk ang netizen na sinabhan si Anne Curtis na mag-behave sa kanyang pelikula dahil married na siya



Manila, Philippines – Isang netizen na naman ang nakahanap ng katapat niyang artista, talamak naman kasi ang mga netizens ngayon na sobrang tatapang nila sa harap ng kani-kanilang electronic devices. Pero hindi lahat ng artista ay kayang magtimpi dahil hindi lahat ay kayang pagpasensiyahan ang mga nakaka-iritang mga comments ng mga pasaway na netizens. Isa na riyan ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff na pagdating sa kanyang asawa ay talaga namang palaban ito.



Isa kasing netizen ang nagmamarunong at nagtatapang-tapangan dahil hindi naman niya kaharap ang kanyang pinagsasabihan at freeng-free siya masabi ang kanyang gustong sabihin kahit na ikaka-offend ito ng artistang kanyang pinagsasabihan. Paano kasi sinabihan si Erwan na pagsabihan daw itong si Anne sa kanyang bagong palabas na mag-behave dahil nga sa mga scene sa pelikula. Eh in the first place naman alam ni Erwan na artista si Anne at ito ang kanyang trabaho. Para sa inyo kung kayo nasa katayuan ni Erwan papayag ba kayo na gawin ni Anne ang mga scene sa kanyang bagong pelikula.






Images courtesy of Instagram: annecurtissmith/erwan


Comments