Claudine Barretto, nagbigay ng sweet message sa kanyang kapatid na si Gretchen. Umani ng iba't-ibang reaksyon





Usap-usapan ngayon sa social media ang post ni Claudine Barretto sa kanyang instagram account na nagbigay regalo para sa kanyang nakakatandang kapatid na si Gretchen Barretto, nagbigay ng iba't-ibang reaksyon galing sa mga netizens.


Si Claudine ay binigyan ang kanyang ate na si Gretchen Barretto ng salamin na may stone studs sa gilid nito, habang binubuksan ni Gretchen ay nakavideo naman ang kasama nila. Nang nakita ni Gretchen ang salamin ay natuwa ito at nagrecite pa ng linyang "Mirror mirror on the wall, who is the fairest of them all."







Caption ni Claudine sa kanyang post:

"Shout out to my Ate who i luv so much. No matter how busy she is & i call coz i need a Hug ☺️ or im craving for something she will really give me what i want. She's SUperwoman to me. i luv u so much. Thank you for loving me 😘❤️🙏 @gretchenbarretto #bestsisterever"


Ilang mga netizens ang mga nag-react sa video at posts:


"Claudine for me is still the most beautiful. I saw her before. And I couldn't believe in my eyes to see such a thing exist."

"No more fight na ha?? Love nalang please. Nakaka touch tingnan kayong dalawa. ❤️🙏"

"Medyo nakaka sad lang dahil parang divided ang family nyo neh?  but praying one day mabuo kayo para mas happy..pero it's okay i till love miss la greta and you 😘"

"Grabe naman ng ka plastikan nitong dalawa.... "

"Fake it till u make it!"

"Bakit si Marjorie di mo pinagmamalaki ng ganyan lol"



Kamakailan lang ay nagtrending ang usap-usapan tungkol sa kanilang pamangkin na si Julia Barretto at paghihiwalay ni Gerald Anderson at girlfriend nito na si Bea Alonzo. Nakikita ding sumuporta ang magkapatid kay Bea Alonzo sa pamamagitan ng pagpapadala ni Claudine ng mga flowers.


Sa isang post din ni Claudine Barretto ang umani ng iba't-ibang reaksyon nang nagkumento si Gretchen Barretto na tila pinariringgan ang mag-inang si Marjorie at Julia Barretto.




Si Claudine Margaret Castelo Barretto ay isang Pilipinong artista , endorser  at negosyante. Una nang limabas si Barretto noong 1992 sa ABS-CBN para sa isang youth-oriented variety show na Ang TV.


Comments