"Boyfriend mo ba si Ion?" Diretsahang tanong ni Ruffa Mae Quinto kay Vice Ganda.





Sa isang segment ng "It's Showtime" ay inembitahan si Ruffa Mae Quinto bilang judge ng "BidaMan" finals at hindi inaasahang pangyayari ay nabigla si Vice Ganda sa tanong ni Ruffa Mae Quinto.


Isang contestant ang tinawag at nagbigay kumento si Ruffa Mae bilang judge ng show. Sinabi niya na may kahawig daw ang contestant na gwapo din na nasa "It's Showtime".

"Hoy MJ, infairness ha, napanood kita sa TV, ang gwapo mo... panlasa..tv. Parang may kahawig ka."

"Taga dito rin yata siya eh. Pogi din... Si Ion."

Biglang natahimik ng saglit si Vice Ganda at ngumiti.

"Ruffa Mae, diretso sa comment oh."

Nagtawanan ang mga co-hosts at ang madlang pepol nang dumagdag pa si Ruffa Mae sa pagtatanong:


"Teka, boyfriend mo ba siya?"

Sumagot si Vice Ganda at tumawa, "Ang jowa ko talaga si Jackque," ang "Ate Girl" ng It's Showtime, at rival di umano ni Ion Perez sa love triangle nila ni Vice Ganda.







Sumagot naman si Ruffa Mae na si Ion Perez ay magaling magluto, at inamin naman ito ni Vice at sumang-ayon ito kay Ruffa Mae. "Masarap siya magluto. Masarap siya magmahal. Mahal ko siya. Char.” dagdag ni Vice Ganda habang napangiti ito.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa estado ng kanilang relasyon pero maraming netizens ang nakakita sa pagiging sweet ng dalawa at napabalitaan pang bumisita si Vice Ganda sa bahay ni Ion kasama ang pamilya nito.


Ilang mga netizens ang nagreact sa video:



“I love ruffa very funny”

“Hindi nakapalag  c Vice ky Ruffa Mae!Bravo Ruffa Mae hahahaha hahahaha hahahaha”


“Dapat si ruffa mae muna ang gawing replacement sa maternity leave ni mariel. Parehas lng sila ng amats ni mariel ey hahaha 😂


“Thanks Rufa Mae,viceIon road to forever,Todo na to gogogo”


“Masarap siya magmahal, mahal ko siya😭💛💛💛naamoy ko na yung aminan sa nine months😍😍


“Ay si Ruffa Mae Lang pala Ang makakapagpa-amin😀😀😀 
Naka-ilang palakpak ba si Ruffa Mae hahhahaha?”



“Pwede bang mag mainstay host c rufa mae sa its showtime? Para sabog na sabog tanghaling tapat. Hahaha !!!!”



Panoorin ang full video:



Comments