Boy Abunda, prangkang nagsalita na tungkol sa hiwalayan ni Ellen at John Lloyd





Usap-usapan ngayon ang biglaan paglabas sa social media ang dalawang magkasintahan na si Ellen Adarna at John Lloyd Cruz matapos nagpahinga ito sa showbiz ilang buwan na ang nakalipas para makapagfocus sa isa't-isa.

Ilang mga usapan ang lumabas na nabuntis umano si Ellen Adarna kaya umalis ang dalawa sa showbiz at pinili ni John Lloyd si Ellen sa showbiz career nito.

Ngayon ay usap-usapan ng mga netizens at social media na nagkahiwalay umano ang dalawa matapos nakita si Ellen na nagtrip ito sa Thailand kasama ang anak nila na hindi kasama si John Lloyd. At si JLC naman ay nakita sa isang plane na mag-isa na hindi naman kasama si Ellen.





Iba't-iba ang lumalabas na dahilan sa di umanong hiwalay ng dalawa; una, nawalan na daw ng gana si Ellen sa kanya. Pangalawa, naging kakaiba umano ang kinikilos ni JLC nang tumagal pagsasama nila. At tatlo ay kinalaman di umano ang korte tungkol sa problema nila.


Sa isang programa ng Abs-Cbn  na "Tonight with Boy ABundo ay prangkang nagsalit ito sa harap ng audience ukol sa usapang hiwalayan sa dalawa. Inamin ng host na ayaw niyang makialam sa isyu ng dalawa dahil nirerespeto niya si John Lloyd bilang isang beterang aktor.

“I don’t know but I have this sense that ayaw kong makialam. Dahil Loydie made it clear from the very beginning that he wanted to be left alone, he wanted to be private… Ayaw kong makialam dahil sobra ang galang ko kay John Lloyd Cruz… Assuming na may katotohanan po ito, I think he would appreciate na hindi tayo masyadong nakikialam… Pagkatapos mabasa ko po ang lahat ng balitang ito, I get this sense na hindi ako naniniwala. I get this sense na this isn’t true. Is this the fan in me? Is this the friend in me?”

Panoorin ang buong video:




Si Eugenio "Boy" Romerica Abunda Jr. o mas kilala na Tito Boy Abunda  ay isang sikat na host sa Abs-Cbn at nakasama ni Kris Aquino sa programang "The Buzz".

Comments